CJ Sereno nanawagan sa mga kabataan na ipaglaban ang demokrasya at posibleng pag-abuso sa harap ng Martial Law sa Mindanao

0
sereno

Umapela si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga kabataan na manindigan sa katotohanan at labanan ang mga banta sa demokrasya sa harap ng deklarasyon ni Pangulong Duterte ng batas militar sa Mindanao.

Sa kanyang commencement speech sa mga nagsipagtapos na estudyante ng Ateneo de Manila Loyola schools, nanawagan si Sereno sa mga kapwa Atenista na kumilos at magsalita para maiwasan na maulit ang mga kasamaan at pag-abuso noong 1972 Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kahit pa ito ay taliwas sa popular na opinyon.

Tahasang sinabi ni Sereno na lahat ng kapangyarihan sa lupa ay maaring magresulta sa opresyon o panggigipit.

Ito ay bagaman ang Martial Law sa ilalim ng 1987 Constitution  aniya ay isang malakas na kapangyarihan na maaring magamit sa kabutihan at pagresolba sa mga krisis.

Kumbinsido ang Punong Mahistrado na  nakaamba ang posibilidad na maulit ang nangyaring mga pang-aabuso sa kasaysayan.

Dahil nahaharap sa matinding banta sa panahon ngayon ang karapatang pantao, katarungan,kalayaan at demokrasya

Ipinunto pa ni Sereno ang tumitinding culture of impunity at mistulang pinasaringan ang war on drugs ng Duterte government dahil sa mga walang pakundangang pagpatay sa panahon nito.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *