Comelec dinagdagan pa ang venue para sa Register Anywhere Project

0
comelec

Dinagdagan pa ng Commission on Elections ang mga site para sa Register Anywhere Project.

Sa abiso ng Comelec, kabilang sa bagong RAP venue ay sa National University – Fairview sa Quezon City, tanggapan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at sa Senado.

Gagawin ang registration sa mga nasabing lugar sa Enero 23 at bukas ito mula 8:00 am hanggang 5:00pm.

Kabilang sa pwedeng magparehistro sa mga nasabing venue ay mga OFW na nais magpabago ng registration para makaboto sa local election, mga residente sa lungsod o distrito kung saan naroon ang RAP site, senior citizens at PWD na bagong botante o mag-a-update ng kanilang record.

Ayon sa Comelec mula ng nagsimula ang RAP, nasa higit 4 na libong aplikasyon na ang kanilang naiproseso.

Ang RAP ay para makapagparehistro ang isang botante kahit sa ibang lugar o probinsya pa na hindi nya kailangang pumunta sa nasabing lugar.

Madelyn Villar- Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *