Comprehensive Tax Reform package ng Duterte administration, aprubado nasa Kamara
Inaprubahan na ng House Ways and Means Committee ang Comprehensive Tax Reform package ng administrasyong Duterte.
Sa botohan ng komite, 17 na kongresista ang bomoto ng yes, apat ang nag-no habang tatlo ang nag-abstain.
Sa ilalim ng panukalang ito, hindi na masyadong nabago ang mahahalagang probisyon ng tax reform ng Malakanyang.
Kasama dito ang income tax exemption para sa mga kumikita ng 250,000 pesos sa buong taon.
Hahatiin na sa tatlong bigay ang 6 pesos na dagdag excise tax sa produktong petrolyo, 3 piso sa bawat litro sa unang taon ng implementasyon ng tax reform, dalawang piso kada litro sa ikalawang taon at piso kada litro naman sa ikatlong taon.
Ibinaba naman ang dagdag excise tax sa mga sasakyan partikular ang sa luxury vehicles na ipapalo na ang buwis sa 120% kumpara sa dating panukala na 200%.
Sampung piso kada litro naman ang buwis sa softdrinks at iba pang sweetened beverages at itataas pa ito ng 4% kada taon.
Inalisan naman ng VAT exemption ang mga kooperatiba para mapalawak ang VAT base.
Ulat ni : Madelyn Villar – Moratillo