Confirmation of charges hearing ni FPRRD, hindi imo-monitor ni PBBM

0

File photo

Hindi umano imo-monitor ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang nakatakdang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa International Criminal Court (ICC) sa susunod na linggo.

Ang pagdinig ay itinakda sa Pebrero24 hanggang 27, pero una nang nagpasabi ang dating Pangulong Duterte na hindi siya dadalo.

Giit ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, abala ang Pangulo sa trabaho.

Aniya, “Hindi po  kailangang mag-monitor ng Pangulo. Ang sabi nga natin, ang minomonitor po ng Pangulo ay iyong interes po ng ating bansa. Kung mayroon pong mangyayari sa hearing, ito po ay personal na po kay dating Pangulong Duterte.”

Pero dahil ang mga Pilipino ang sangkot sa kaso, magiging updated pa rin naman aniya rito ang Pangulo.

Ayon kay Castro, “Hindi po imo-monitor, pero siyempre kailangan pong maging updated ang Pangulo sa lahat  ng nangyayari, dahil mga kapwa Pilipino natin ang nasasangkot dito.”

Tiniyak naman ng Malaknyang ang proteksyon ng gobyerno sa mga nagrereklamong biktima ng drug war, alinsunod sa pangako ng Department of Justice.

May sagot din si Castro sa patuloy na paggiit ng kampo ni dating Pangulong Duterte na dinukot umano siya para madala sa The Hague.

Madelyn Villar-Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *