Cong. Baguilat hinikayat si Pang. Duterte na tanggapin ang EU grants

0
baguilat

Hinikayat ni Ifugao Cong. Teddy Baguilat ang Malakanyang na huwag maging balat sibuyas at tanggapin na ang grants mula sa European Union.

Sinabi ni Baguilat na dapat magrekunsidera dito ang gobyerno dahil masyadong malaki ang mawawala sa bansa.

Para sa kongresista,  hindi dapat isakripisyo ang grants ng EU dahil lamang sa mga puna nito sa bansa lalo na sa mga nangyaring patayan sa gitna ng giyera laban sa droga.

Ang mga ganitong kritisismo ay hindi anya dapat ituring na pangingialam sa bansa.

Kung hindi babawi dito ang pamahalaan,  hindi lamang ang grants ang pwedeng mawala sa bansa kundi pati ang export na umaabot ng 901 million dollars gayundin ang donasyon ng EU sa Mindanao trust fund.

Kailangang magbigay ng maayos na paliwanag ang gobyerno sa desisyon nito para naman maging handa ang lahat sakaling mauwi sa fallout ng relasyon ng Pilipinas at EU ang pangyayaring ito.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *