Cong. Farinas binatikos ni Sen.Trillanes sa planong sampahan ng ethics complaint si Rep. Alejano
Binatikos ni Senador Antonio Trillanes si Ilocos Norte Cong. Rodoldo Farinas matapos pagbantaang sasampahan ng ethics complaint si Cong. Gary Alejano.
Ayon kay Trillanes, walang masama sa plano ng kaniyang kaibigang si Alejano na dumulog sa International Criminal Court matapos ibasura ang inihaing impeachment laban sa Pangulo.
Ang banta aniya ni Farinas ay isang pagpilipit sa moralidad at katotohanan.
Wala aniya sa katwiran si Farinas dahil dinedepensahan ang isang umano”y corrupt at murderer na Pangulo.
Iginiit ni Trillanes na hindi kailangang magkaroon ng personal knowledge si Alejano sa mga ibinabatong alegasyon laban sa Pangulo kundi ang mga ipatatawag na testigo.
Ulat ni: Mean Corvera
