Construction sites sa Melbourne isinara muna matapos ang marahas na anti-vax protest

Agad na ipinasara ngayong Martes ang mga construction site sa magkabilang panig ng Melbourne, matapos ang nangyaring riot ng mga manggagawa na tutol sa bagong vaccination requirements.

Ayon sa mga awtoridad, 2 linggong isasara ang mga construction site bilang tugon sa anila’y malawakang hindi pagsunod sa Covid-19 regulations at mararahas na mga protesta.

Kahapon, higit 100 mga manggagawa ang nanggulo at binasag pa ang mga bintana ng union office sa central Melbourne, habang galit na isinisigaw ang kanilang pagtutol sa vaccine requirement.

Pitong linggo nang naka-strict lockdown ang Melbourne, habang sinisikap ng mga awtoridad na pigilan ang outbreak ng lubhang nakahahawang Delta variant, kung saan ilan sa mga cluster ay iniu-ugnay sa construction sites, kung saan sinasabing maluwag ang Covid containment measures.

Ayon kay state minister for industrial relations Tim Pallas . . . “We’ve been clear: if you don’t follow rules, we won’t hesitate to take action. We put the industry on notice just a week ago, we have see appaling behaviour on site and on our streets, and now we’re acting decisively and without hesitation.”

Bunsod ng pagpapasara sa construction sites, libu-libo ang mawawalan ng trabaho, at asahan na rin ang dagdag pang mga protesta ngayong araw.

Kinondena naman ng local construction union boss na si John Setka ang maliit na grupo ng violent protesters, na aniya’y sumisira sa buong workforce.

Aniya . . . “Those drunken fascist un-Australian morons are the reason construction workers will be sitting at home and not getting paid for the next two weeks.”

Ang estado ng Victoria ay nakapagtala ng 603 bagong Covid cases sa nakalipas na 24 oras.

Please follow and like us: