COVID-19 booster shot vaccination sa mga delivery rider sa Maynila extended hanggang ngayong araw

271234136_230903342556795_2323780531561911673_n

Pinalawig ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang COVID-19 booster shot vaccination sa mga delivery rider ngayong araw.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang bakunahan ay mula 8:00 am hanggang 5:00 pm.

Gagawin ulit ito sa Kartilya ng Katipunan sa tabi ng Manila City Hall.

Sa ginawang bakunahan kahapon, umabot sa 820 riders ang nabigyan ng booster shot.

Ayon kay Mayor Isko, paraan nila ito ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga delivery rider na tuloy parin sa trabaho sa gitna ng pandemya.

Madz Moratillo