Crew ng BRP Suluan pinarangalan dahil sa mahusay na pagtupad sa tungkulin

0

Binigyang parangal ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang mga crew ng BRP Suluan, sa matagumpay na misyon sa Bajo de Masinloc kahapon.

Una rito, nalagpasan ng BRP Suluan ang mga dambuhalang barko ng China Coast Guard at warship ng PLA Navy na humabol at nagtangkang humarang sa kanya.

Sa halip, ang dalawang barko pa ng China ang nagkabanggaan.

Pinuri ni Gavan ang katapangan, dedikasyon at sakripisyo ng mga ito para tiyakin ang kaligtasan sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Iginiit naman ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya, na ang patuloy na pagpapakalat ng fake news ng China laban sa Pilipinas ay isa umano sa mga istratehiya nito sa laban sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sabi ni Goitia, ang laban ngayon sa WPS ay labanan hindi lamang ng mga barko at coast guard kundi ng mga naratibo.

Kaya bilang isang Pilipino, naniniwala si Goitia na ang kanyang papel ay tulungan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pamamahitan ng pagpapalakas ng public communication at patuloy na pagbubunyag sa mga ginagawa ng China.

Si Goitia kasama ang iba pang myembro at grupo ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya, ay ilang beses nang nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng embahada ng China.

Madelyn Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *