Dagdag presyo sa mga produktong petrolyo, asahan sa mga susunod na araw

Matapos ang dalawang linggong oil price rollback, asahan naman ang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggong ito.
Sa pagtaya ng kumpanyang Unioil Petroleum Philippines, maaaring umabot sa P1.70 hanggang P1.80 kada litro ang dagdag sa diesel simula sa Abril 19.
Habang sa gasolina ay mula sa P0.40 hanggang P0.50 sentimos kada litro.