Dalawa pang Presidential appointees masisibak sa puwesto ayon sa Malacañang

Kinumpirma ng Malakanyang na dalawa pang presidential appointees ang nanganganib na madagdag sa humahabang listahan ng mga opisyal ng gobyerno na nasibak dahil sa sobrang pagbiyahe sa abroad.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque ang dalawang presidential appointees ay mayroong reklamong nakahain sa Office of the President.
Ayon kay Roque iniimbestigahan na ng Presidential Management Staff o PMS ang dalawang presidential appointees.
Inihayag ni Roque na asahan pa ng publiko na mayroon pang susunod na sisibaking mga government officials dahil sa pananamantala sa kanilang posisyon.
Nauna ng sinibak ni Pangulong Duterte sina Presidential Commission on Urban Poor Chairman Terry Ridon, Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago, Development Academy of the Philippines President Elba Cruz at pinakahuli si Maritime Industry Authority Chairman Marcial Amaro III dahil sa labis na pagbiyahe sa abroad.
Ulat ni Vic Somintac