Dalawang empleyado ng SSS inaresto ng CIDG dahil sa hindi pagreremit ng contributions nga mga empleyado

Naaresto ang isang doktor at isang employer matapos mabigo ang mga ito na magremit ng SSS contributions ng kanilang mga empleyeado.
Dinakip ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group at ng mga opisyal ng SSS si Dr. Rhea Liza Henzon sa Capitol Medical Center sa Quezon City.
Sinabi ni SSS Vice President for Legal Enforcement Group Renato Cuisia na hinuli si Henzon makaraang hindi nito iremit ang nasa 1.6 milyong pisong halaga ng SSS contributions ng mga tauhan nito simula noong 2007 hanggang 2011.
Si Henzon ang nag mamay-ari ng Silver Stream Publishing Corporation.