Dating military officer Danilo “Danny” Lim, itatalaga sa MMDA

0
danny

Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na inanunsiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang dating military officer na si Danilo “Danny” Lim ang susunod na Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Papalitan ni Lim sa pwesto si MMDA General Manager Thomas Orbos na naging acting chairman habang naghahanap si Duterte ng permanenteng magiging MMDA Chief.

Ayon naman kay Medialdea mananatili si Orbos bilang MMDA general manager kapag umupo na sa pwesto si Lim.

Nanguna si Lim sa tangkang kudeta noong 1989 laban kay dating Pangulong Corazon Aquino at nakulong.

Napalaya si Lim, sa ilalim ng Ramos administration at naging miyembro ng Reform the Armed Forces Movement-Soldiers of the Filipino People-Young Officers Union (RAM-SFP-YOU) peace panel.

Tinanggal naman ito sa kanyang pwesto bilang commander ng First Scout Rangers Regiment dahil sa planong coup d’etat laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2006.

Naditine ito mula 2006 hanggang 2010 dahil sa mga kasong rebellion at attempted coup d’etat.

Tumakbong Senador si Lim noong 2010 bilang independent candidate at naging guest candidate ng the Liberal Party (LP) pero natalo.

Naging Deputy Commissioner for Intelligence ng Bureau of Customs si Lim noong September 15, 2011 hanggang July 23, 2013.

Nag-resign ito dahil sa incompetence noong July 2013 matapos batikusin ni Pangulong Noynoy Aquino ang umano’y korupsiyon sa Customs Bureau.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *