Dating Palawan Governor Joel Reyes ibabalik ng Malacañang sa kulungan matapos i-absuwelto ng Court of Appeals dahil sa pagpatay kay Dr. Gerry Ortega na isang environmentalist at journalist
Hindi papayag ang Malakanyang na basta na lamang makawala sa pananagutan si dating Palawan Governor Joel Reyes sa ginawang pagpaslang kay Dr. Gerry Ortega na isang environmental is at journalist.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maghahain ng apela ang gobyerno para mabaligtad ang desisyon ng Court of Appeals na nagpapawalang sala kay Reyes.
Ayon kay Roque magpupulong sina Solicitor General Jose Calida at Justice Secretary Vitalliano Aguirre upang pag-usapan ang legal na hakbang upang maibalik sa kulungan si Reyes.
Inihayag ni Roque hindi katanggap tanggap ang desisyon ng Court of Appeals dahil madesisyunan na ng lower court at matibay ang ebidensiyang pinagbatayan ng sentensiya sa dating gobernador.
Si Roque ay nagsilbing private prosecutor sa Ortega murder case.
Ulat ni Vic Somintac