Dating Sen. Marcos hiniling sa PET ang decryption ng mga balota sa mga clustered precincts na sakop ng kanyang protesta laban kay VP Robredo

0
bbm2

 

Pinamamadali ni dating Senador Bongbong Marcos sa Korte Suprema ang decryption at printing ng ballot images mula sa mga clustered precincts sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang mosyon sa Supreme Court na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal, hiniling ng kampo ni Marcos ang pag-decrypt at pag-imprenta sa ballot image mula saSD card at data storage device sa bawat presinto na sakop ng kanyang protesta bago ang preliminary conference sa June 21, 2017.

Ang decryption at printing of the ballot images ay isasagawa at pangangasiwaan  ng election records at statistics departments ng COMELEC.

Ayon sa abogado ni Marcos na si George Garcia, maaring ipag-utos ng PET ang decryption at printing bago ang nakatakdang preliminary conference para mapadali ang resolusyon ng poll protest.

Sa ilalim ng 2010 PET rules, pinapayagan ang anomang hakbangin para mapadali ang pagdinig sa electoral protest.

Kabilang sa mga lugar na sakop ng protesta ng dating Senador ay ang mga lalawigan ng Cebu, Leyte, Negros Occidental, Negros Oriental, Masbate, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Bukidnon, Iloilo Province, Bohol, Quezon, Batangas, Western Samar, Misamis Oriental, Camarines Sur, Palawan, Albay, Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, Pangasinan at Isabela.

 Ulat ni : Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *