Davao City, naka-lockdown matapos ang deklarasyon ng Martial Law sa buong Mindanao
Isinailalim ngayon sa red alert ang Davao City matapos ang deklarasyon ng Martial Law sa buong Mindanao.
Ayon kay Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio mahigpit na inspeksyon din ang ipinatutupad sa buong Lungsod.
Panawagan ni Indayu Sarah, mas mabuting huwag na lamang mag-biyahe patungong Davao City kung hindi rin naman kailangan dahil tiyak na kakain ng malaking oras ang mga inilatag nilang checkpoints.
Pinayuhan din ni Mayor Sarah ang mga residente na planuhing mabuti ang mga araw-araw na aktibidad at manatili sa kanilang mga bahay kung walang importanteng lakad.
Binigyang diin pa ni Mayor Sarah na mas mahigpit ang seguridad na pinaiiral nila sa Davao city dahil ito ang hometown ng Pangulo.