Death Penalty Bill hindi pa tuluyang patay saSenado- Sen. Pacquiao
Naniniwala si Senador Manny Pacquiao na hindi pa tuluyang namamatay ang death penalty bill sa Senado.
Isa si Pacquaio sa pitong Senador na nagsulong na maibalik ang parusang bitay lalo na sa mga kasong may kaugnayan sa operasyon at pagbebenta ng iligal na droga.
Taliwas sa pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na patay na ang Death Penalty Bill, iginiit ni Pacquiao na makakakuha ng sapat na boto ang panukala oras na isalang na ito sa deliberasyon ng Senado sa susunod na linggo.
Nanindigan si Pacquiao na kailangan nang ibalik ang parusang bitay sa Pilipinas lalo na sa mga drug related crimes partikular ang drug trafficking.
Ulat ni: Mean Corvera