Death penalty bill , iisponsoran na ni Senado Pacquiao sa pagbabalik ng sesyon sa Senado sa susunod na linggo

0
13882206_1104438809634325_4088272553959097183_n

Kinumpirma ni senate President Aquilino Pimenel na isasalang na sa
deliberasyon ng komite ang panukalang ibalik ang death penalty.

Ayon kay Pimentel, si Senador Manny Pacquaio ang mag iisponsor ng
panukala sa binuong sub committee ng committee on justice.

Ito’y para makabuo na ng committee report at maisalang sa pagtalakay sa plenaryo.

Pero paglilinaw ni Pimentel, hindi ito nangangahulugang maipapasa ang
panukala sa senado kahit pa pasado na ito sa kamara.

Katwiran ni Pimentel, hati ang posisyon ng mga senador sa panukalang
batas at mayorya ng mga senador ay tutol na ibalik ang parusang bitay.

Aa panukalang nakapending sa senado, nais nina Senador Pacquaio,
Vicente Sotto at Senator Panfilo Lacson na patawan ng parusang bitay
ang mga kasong may kinalama na iligal na droga.

Ulat ni Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *