Death Penalty Bill patay na sa Senado
Patay na ang issue ng Death Penalty sa Senado.
Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ngayong papalapit na ang pagbubukas ng bagong session ng Senado sa susunod na linggo.
Ayon sa Senador maliit na lang ang tiyansa na matalakay ito sa Senado.
Sinabi pa ni Drilon na walang sapat na boto ang bagong version nito na ipinasa sa House of Representatives noong nakaraang Marso.
Labintatlong Senador ang pipigil sa nasabing panukala kabilang dito ang anim na mula sa minority group at pito naman sa majority bloc.
Sa ngayon pitong bill ang naka pending sa Senado na naglalayong buhayin ang death penalty.
Ulat ni: Mean Corvera
