Deklarasyon ng Martial Law natanggap nang Kamara
Hawak na ng kongreso ang kopya ng Martial Law declaration ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa record ng kamara, nakarating ang dalawang pahinang dokumento bandang alas-10:26 kagabi.
Sa nasabing proklamasyon, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi lalampas sa 60 araw ang bisa ng batas militar sa buong Mindanao.
Nakasaad din na nabuo ang kaniyang direktiba dahil na rin sa pag-atake ng mga teroristang Maute Group sa Marawi City noong Mayo 23, 2017.
Naniniwala ang Chief Executive na banta sa kaligtasan ng marami ang rebelyon at krimen na nililikha ng Maute Group.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

