DEPED, hinimok ang publiko sa Brigada Eskwela Marawi City
Hinikayat ni Education Secretary Leonor Briones ang publiko na maki-bahagi sa Brigada Eskwela sa Marawi City.
Partikular dito ang pagkumpuni ng mga paaralan, pamimigay ng mga libro, upuan at iba pang kagamitan.
Dalawampung paaralan sa Marawi City ang napinsala dahil sa bakbakan sa loob ng halos limang buwan.
Una rito, sinabi ni Secretary Briones na nasa 2.3 billion pesos ang kailangan ng dep-ed sa pag-kumpuni nang lahat ng paaralan sa Marawi City.
Nasa 27 thousand naman ang ini-likas na mga bata mula sa siyudad.