Desisyon ng Ombudsman na ibalik sa kulungan si dating Palawan Governor Joel Reyes suportado ng Malacañang

0
1

Ikinagalak ng Malacañang ang kahilingan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayanna ipag-utos ang pag-aresto kay dating Palawan Gov. Joel Reyes at kanselahin ang kanyang piyansa kaugnay sa kinakaharap na kasong graft.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque nararapat lamang ang hakbang na ito ng Ombudsman para maibalik sa kulungan si Reyes.

Ayon kay Roque kapuri-puri ang hakbang ng Ombudsman para maiwasang ang ginawang pagtatago noon ni Reyes sa Thailand kaugnay sa Ortega murder case.

Unang kinondena ng Malacañang ang desisyon ng Court of Appeals na nagpapawalang-sala kay Reyes sa kasong pagpatay kay Gerry Ortega na isang mamamahayag at environmental activist.

Ulat ni Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *