DFA, kinuwestyon ang pagbisita sa Pilipinas ng UN Rapporteur na si Agnes Callamard

0
dfa

Kinuwestyon ng Department of Foreign Affairs ang motibo at sinseridad ng pagbisita sa bansa ni United Nations Rapporteur Agnes Callamard.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar, may naka schedule na meeting sina Senador Alan Peter Cayetano at Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra kay Callamard sa sidelines ng Universal Periodic Review sa Geneva Switzerland.

Sina Cayetano at Guevarra ang ipinadala ng Malacanang para magpaliwanag sa isyu ng mga umano’y paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.

Nakapagtataka aniyang tinanggihan ni Callamard ang naunang imbitasyon noon ng Pilipinas sa halip pinaboran ang imbitasyon ng isang NGO kasabay ng UPR.

Nabatid na ginagawa ang UPR tuwing ikatlo hanggang apat na taon kung saan ipiniprisinta ng bawat bansa ang human rights records sa United Nations human rights council.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *