Dimissal order ng Ombudsman kay Deputy Speaker Gwen Garcia may kulay politically motivated ayon sa Malacañang

0
210-panukalang-batas-naipasa-ng

Politika ang nakikita ng Malakanyang sa dismissal order na ibinaba ng Office of the Ombudsman kay House Deputy Speaker Gwendolyn Garcia dahil sa kasong graft.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque bagamat iginagalang ng Malakanyang ang desisyon ng Ombudsman laban kay Garcia na kaalyado ng adminiatrasyon kadudaduda ang timing.

Ayon kay Roque isa si Congresswoman Garcia sa mga bumubusisi sa mga kuwestiyunableng transaksyon ng nakalipas na administrasyon kasama na dito ang Dengvaxia controversy at impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Serreno.

Inihayag ni Roque tanging ang liderado ng kongreso lamang ang makapagpapstalsik sa kanilang miyembro sa pamamagitan ng botong two third sa plenaryo.

Naniniwala si Roque na kung hindi ipatutupad ng liderato ng kongreso ang dismissal order ng ombudsman kay Garcia hindi maaalis sa pagiging kongresota ang mambabatas.

Ulat ni Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *