Disconnection activities ng Meralco sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ, suspendido hanggang Aug. 31

233185041_4835142339832632_3202456764979561361_n

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na suspendido pa rin ang kanilang disconnection activities sa mga customers nila na may unpaid bills na nasa mga lugar na nasa ilalim ng Modified ECQ hanggang katapusan ng Agosto.

Partikular sa mga customers sa National Capital Region, gayundin sa Bulacan, Cavite, Rizal at Lucena city.

Samantala, magbibigay din ng konsiderasyon ang Meralco sa kanilang mga customer na nasa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Nauna nang nagtaas sa singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan.