DOH , nakapagtala ng 5,221 na bagong kaso ng COVID-19

covid 15

Umabot na sa 45,495 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,221 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 4,147 naitalang bagong gumaling.

May 82 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 26,314 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 1,490,665 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,418,856 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo