DOH, nakapagtala ng 1,926 bagong kaso ng Covid-19

255926999_259071436259636_769009161138272431_n

Bumaba na sa 28,102 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 1,926 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 3,140 ang naitalang bagong gumaling.

May 309 namang naiulat na bagong nasawi dahil sa virus,kaya umabot na sa 45,581 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 2,816,980 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,743,297naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.