DOH, nakapagtala ng higit 7,000 bagong mga kaso ng Covid-19 ngayong Sabado

187060264_4461245710553313_1398742895789946281_n

Nakapagtala ang Department of Health ng panibagong 7,443 kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, pumalo na sa 1,216,582 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Pero nasa 53,614 dito ang aktibong kaso.

Samantala, nakapagtala rin ng bagong 7,533 na mga nakarekober sa virus infection ngayong araw.

Dahil dito, umakyat na sa 1,142,246 ang recovered cases sa bansa.

Mayroon namang bagong 156 na mga namatay sa karamdaman kaya nasa 20,722 ang death toll ng bansa dahil sa Covid-19.