DOJ, isinasapinal na ang petisyon na humihiling na ideklarang teroristang grupo ang CPP NPA

0
26235117_10208571695368579_50939961_n

Isinasapinal na ng DOJ ang petisyong isasampa nito sa korte para hilinging ideklara bilang teroristang grupo ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong,ang itinalagang bumalangkas ng petisyon, kumakalap pa sila ng dagdag na ebidensya laban sa CPP-NPA na susuporta sa ihahaing petisyon sa hukuman.

Sinabi ni Ong na tinututukan nila ang mga insidenteng kinasasangkutan ng cpp-npa sa panahon ng termino ni pangulong duterte.

Ipapakita anya nila sa petisyon na sa kabila ng good faith at sinseridad ng pamahalaang Duterte na makipagkaayos sa CPP-NPA ay patuloy pa rin ang opensiba at pagatake ng mga ito laban sa pamahalaan.

Mayroon anyang 15 insidente ng karahasan ng komunistang grupo ang nasa listahan nila na naganap sa termino ni Duterte.

Pero mababanggit din ang iba pang karahasan ng mga komunista bago ang panunungkulan ni Duterte dahil kasama sa petisyon ang kasaysayan ng grupo.

Kasama rin sa petisyon ang pangalan ng mga lider at opisyal ng CPP NPA.

Target ng DOJ na maihain sa korte ngayong Enero ang petisyon.

Alinsunod sa Human Security Act, dapat dumaan sa korte ang pagkonsidera sa isang organisasyon bilang teroristang grupo para mabigyan ng pagkakataon ang nasabing organisasyon na maidipensa ang kanilang panig.

Una rito ay inisyu ni Pangulong Duterte ang Proclamation 374 na nagdedeklara sa CPP-NPA bilang teroristang organisasyon.

Ulat ni Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *