DOJ nais lumikha ang SC ng Special Courts na lilitis sa mga kaso laban sa mga miyembro ng Maute

0
doj

Nais ng DOJ na lumikha ang Korte Suprema ng Special Courts na lilitis sa mga kaso laban sa mga miyembro ng teroristang grupong Maute.

Batay sa record ng DOJ, walumput- siyam na myembro ng Maute ang nahaharap sa kasong kidnapping and kidnapping with murder cases sa Malabang Regional Trial Court sa Lanao del Sur.

Bukod dito may apat ding Maute members ang may kasong illegal possession of improvised explosive device and incendiary devices sa nasabing hukuman.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II nakausap niya ang ilang piskal mula sa Mindanao na nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa pagdinig ng mga kaso laban sa Maute group.

Dahil dito ay pinaplano nilang hilingin sa Korte Suprema ang pagtatalaga ng special courts.

Ayon sa kalihim, mahalaga na ang mga naturang special court at mailipat ng paglilitis  sa labas ng Mindanao para matiyak ang kaligtasan ng mga hukom at piskal sa rehiyon.

Ulat ni: Moira Encina

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *