DOJ nilinaw na wala pang perang naibabalik ang mga sangkot sa flood control projects na nag-aapply para maging state witness

0

Tumanggi ang Department of Justice (DOJ) na kumpirmahin, kung pasok na ba bilang state witness si dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo sa flood control project anomaly.

Sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, na confidential ang proseso sa aplikasyon rito, at kung may resulta na, ipaaalam nila ito sa publiko.

Nilinaw din ng DOJ na hanggang ngayon, wala pang perang naibabalik ang mga indibidwal na sangkot sa maanomalyang flood control projects na nag-aapply upang maging state witness sa kaso.

Una rito, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, na nagbalik na umano si Bernardo ng nakulimbat nitong pera sa mga maanomalyang proyekto.

Una na ring nilinaw ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, na kahit merong maaprubahang maging state witness ay hindi sila bibigyan ng blanket immunity sa lahat ng kaso patungkol sa flood control anomaly.

Madelyn Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *