DOJ pormal nang hiniling sa BIR na imbestigahan ang posibleng tax liabilities ni Charlie Atong Ang
Pormal nang hiniling ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa BIR na imbestigahan nito ang posibleng tax liabilities ng gambling operator na si Charlie Atong Ang.
Sa isang pahinang sulat kay BIR Commissioner Cesar Dulay, hiningi nito ang tulong ng ahensya na usisain ang posibleng paglabag ni Ang sa mga tax law ng bansa.
Kasama sa pinauungkat ni Aguirre sa BIR ang Meridien Vista Gaming Corporation ni Ang.
Ayon sa kalihim, nasa kapangyarihan ng BIR sa ilalim ng National Internal Revenue Code of 1996 na mag-initiate ng imbestigasyon sa posibleng tax evaders.
Una nang sinabi ni Aguirre na nag-ooperate ang kumpanya ni Ang na Meridien sa ilang lalawigan na nasa labas ng Cagayan Economic Zone Authority kaya malaki na ang pagkakautang nito na buwis.
Ulat ni: Moira Encina
