DOLE, binalaan ang mga employer kaugnay sa age discrimination

Binalaan ng Department of Labor and Employment ang mga kumpanya laban sa pamimili ng empleyado base sa edad o age discrimination.
Ayon kay DOLE-NCR director Johnson Cañete, mahalagang malaman ng mga employers ang Republic Act Number 10911 na naisabatas noong nakaraang taon.
Ang RA 10911 o ang Anti-Age Discrimination in Employment Law ay nagpapahintulot sa mga employer na magbigay ng prescribed age para sa mga nag-a-apply ng trabaho.
Sinabi ni Cañete na normal lang na may ilan pang hindi masyadong nakakaalam sa mga nilalaman ng nasabing batas dahil bago lang ito.
Gayunman, marapat lang na alam na ng mga employer na may ganitong batas.