DOLE hindi tutol sa hiling na wage increase ng mga manggagawa

0
dole

Hindi tutol ang Department of Labor and Employment sa hiling na pagtataas sa minimum wage ng mga manggagawa sa bansa.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na pinag-aaralan pa nila kung kakakayaning ipagkaloob ng mga employer ang hinihinging increase ng mga manggagawa dahil  patuloy din ang  pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi pa ni Bello na agad nilang ipapasa sa mga mambabatas ang magiging resulta ng kanilang pag-aaral para ang mga ito na ang magdesisyon kung dapat nang dagdagan ang sweldo ng mga manggagawa.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *