DPWH inamin sa Kamara na hindi magiging 100% corruption-free ang 2026 budget ng ahensiya

Sa kabila nang matinding kampanya ng Marcos, Jr., administration laban sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH), hindi matiyak ni Secretary Vince Dizon na magiging corruption-free na ang revised 2026 budget ng ahensiya.
Sa ambush interview sa Kamara, sinabi ng kalihim na ang reyalidad, nagaganap ang korapsyon hindi sa papek kung saan nakalagay ang proposed budget, kundi nangyayari sa actual execution ng projects kung saan nagkakaroon ng sabwatan ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at contractors.

Aminado si Dizon na bagama’t inalis na sa National Expenditure Program o NEP ng DPWH ang mga nakitang insertions, pero hindi pa rin 100% na sorruption-free ang pondo ng ahensiya, kaya dapat pa ting higpitan ang pagbabantay sa implementasyon.
Sa ngayon ay naksalang sa House Committee on Appropriations ang budget ng DPWH, na nagkakahalaga ng P881.3 billion, na inaasahang daraan sa butas ng karayom dahil sa mga natuklasang insertions.
Vic Somintac