Draft ng oil exploration deal sa China, pag-aaralang mabuti ng Pilipinas – Malacañang

0
sal panelo

Tiniyak ng Malakanyang na pag-aaralan ang anumang draft sa panukalang joint sxploration deal sa West Philippine sea.

Kasunod ito ng naging pahayag ng dalawang senador na mayroon na umanong inihandang framework agreement ang china.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pag-aaralang mabuti ang anumang draft para malaman kung ito ay legal o hindi o kung ito ay kapaki-pakinabang sa bansa o hindi.

Nitong Lunes, naghain sina Senador Antonio Trillanes at Senador FRancis Pangilinan ng senate resolution 943 na nakasaad ang panawagan sa Duterte administration na ilabas ang “DEFINITIVE DRAFT” ng oil and gas agreement sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *