Drivers ng pampublikong sasakyan, hinimok ng LTFRB na sumailalim sa Driving Academy

0
ltfrb

Hinikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan na sumailalim sa driving academy.

Ito ay para matiyak ang pagiging disiplinado ng mga driver at maiwasan ang anumang aksidente.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, tagapagsalita at board member ng LTFRB, napakahalaga ang nasabing pagsasailalim ng driving academy dahil sa dumarami ang mga aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga pampasaherong bus at jeepney.

Nilinaw din nito na libre ang nasabing seminar at walang anumang babayaran ang mga driver sa kanilang pagsailalim sa seminar at ang babayaran lamang ay ang id na nagpapatunay na sila ay pumasa sa driving academy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *