Drug watchlist ng gobyerno pinaiimbestigahan na sa Senado
Pinaiimbestigahan na ni Senador Antonio Trillanes kung tunay ang drug watchlist ng gobyerno.
Sa kaniyang inihaing Senate Resolution 342, hiniling ni Trillanes na busisiin ng Senate Committee on Public Order ang accuracy ng naturang watchlist para matiyak na ang mga napapatay ay hindi biktima lamang ng mistaken identity.
Inihalimbawa ni Trillanes ang 19 na taong gulang na si Raymart Siapo na dinukot at pinatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek noong Marso at nakuha umano sa kanya ang dalawang sachet ng shabu.
Ang pangalan ni Siapo ay nakasama sa listahan ng mga drug suspek sa kanilang baranggay gayong hindi ito gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
“The drug watch list,’ instead of being a mechanism to prevent further criminality in the country, may have become an arbitrary hit list, with people whose names were inadvertently or maliciously included in the list ending up being killed.” – Sen. Trillanes
Ulat ni : Mean Corvera