‘Dumbledore’ nanguna sa North American box office

NEW YORK, NEW YORK - APRIL 06: (L-R) William Nadylam, David Yates, Dan Fogler, Eddie Redmayne, Victoria Yeates and Jessica Williams attend "Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore" fan event on April 06, 2022 in New York City. Dia Dipasupil/Getty Images/AFP (Photo by Dia Dipasupil / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)

Nanguna sa North America ang Eddie Redmayne-Jude Law fantasy film na Fatntastic Beasts: The Secrets of Dumbledore, kung saan kumita ito ng $43 nitong weekend.
Batay ito sa anunsiyo ng BoxOfficeMojo.com nitong Linggo.

Nasa No. 2 naman ang Sonic the Hedgehog na kumita ng $30 million, sinundan ng The Lost City sa No. 3 na kumita ng $6.5 million, nasa No.4 ang Everything Everywhere All at Once na 46.2 million ang kinita, at ang Father Stu na kumita ng $5.7 million ang nasa No. 5.
Narito naman ang kukumpleto sa Top 10:
Morbius ($4.7M) – No. 6
Ambulance ($4M) – No. 7
The Batman ($3.8M) – No. 8
K.G.F.: Chapter 2 ($2.9M) – No. 9
Uncharted ($1.2M) – No. 10

Ang Top 10 movies nitong weekend ay kumita ng kabuuang higit-kumulang $108 million, kumpara sa kinita ng mga pelikula sa box-office noong isang linggo na $117 million nang ang Sonic the Hedgehog pa ang nasa No. 1 spot.