E-bus para sa PWDs inilunsad ng DSWD

Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian
Personal na ininspeksiyon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga E-bus para sa Persons with Disabilities o PWDs.
Sinabi ni DSWD Director for Sustainable Livelihood Progrtam (SLP) manager Miramil Laxa, na mismong si Sec. Gatchalian ang nagkonsepto na maki-tie-up ang DSWD sa Comet Global Transport Operator ng E-bus para sa PWDs.
Ayon kay Laza, ang mga E-bus unit ay i-ooperate ng PWDs s apamamagitan ng kanilang binuong grupo, para magkaroon din ng pagkakakitaan sa ilalim ng SLP ng DSWD.

Inihayag naman ni Freddie Tinga, presidente ng Comet Global Transport, na mismong si Gatchalian ang kumausap sa kanilang kompanya para magkaroon ng arrangement na magkaroon ng units ang grupo ng PWDs, sa ilalim ng SLP upang magkaroon ng income.
Ayon kay Tinga, bawat unit ng E-bus ay nagkakahalga ng apat na milyong piso at sa ilalim ng arrangement ay hati ang Comet Global Transport at kooperatiba ng PWDs, na maaaring ipasok sa financing upang hindi mabigat ang pagbabayad at ang kita ay 50/50 ang hatian.
Inihayag naman ni Ces Millang, treasurer ng Quezon Ciry PWDs Electric Transport Service, na malaking tulong ang ginawa ng DSWD at Comet Transport, dahil bukod sa kita ay hindi na mahihirapan ang PWDs sa pagko-commute.

Niliwanag ng DSWD na dito muna sa Metro Manila ang pilot operations ng E-bus para sa PWDs para mabawasan ang insidente ng pambu-bully sa mga PWDs gaya nang nag-viral sa social media na pananakit sa isang may kapansanan sa pampublikong sasakyan.
Vic Somintac