Ecowaste Coalition, nagbabala sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga gamit pang-eskwela
Nagbabala ang Ecowaste Coalition sa publiko na maging maingat at mausisa sa pagbili ng school supplies ngayong pasukan.
Ayon kay Ecowaste Coordinator Thony Dizon, ito ay dahil may ilang gamit sa eskwela ang mayroong sobra- sobrang lead content na posibleng magdulot ng pinsala sa utak.
Nag-ikot ang grupo sa Divisoria, Baclaran, Guadalupe at Monumento na kadalasang dinadayo ng mga bumibili ng mga gamit sa paaralan.
Nagtala ng mataas na lead content ang ilang uri ng bag, baunan, lapis, eraser at mga pencil case.
