Ekonomiya, apektado ng Tax Reform Package ng administrasyon

0
jv1

Tiyak na maaapektuhan ang buong ekonomiya ng bansa sa isinusulong na tax reform package ng Duterte administration.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni Senador JV Ejercito, na kung masyadong mataas ang ipapataw na buwis ay nangangahulugan ito na tataas ang presyo ng mga bilihin at mga serbisyo.

Bagaman may maganda rin namang layunin sa isinusulong na pagpapataw ng buwis kasabay ng pagbaba naman ng binabayarang income tax ng mamamayan ay dapat parin itong pag-aralang mabuti

Aniya , dapat maging balanse ang isinusulong na pagbubuwis upang hindi labis na maapektuhan ang mga ordinaryong mamamayan .

“Baka yung matitipid natin sa income tax yung araw araw na bubunuin mo eh balewala rin ito kaya yun ang ating dapat balansehin . At kung tatanungin nyo ako kung ako ay pabor sa karamihan ng taxation ay napakataas sa tingin ko yung buong ekonomiya natin ay maapektuhan”. – Sen. Ejercito

Ulat ni: Marinell Ochoa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *