ERC nanawagan ng mas mababang power rate

Sa gitna ng tumataas na presyo ng kuryente, ipinagmalaki ng MORE Electric and Power Corporation na sila ang pinakamababa ang singil sa Western Visayas.
Sinabi ni MORE POWER President Roel Castro na nasa P11.3/kwh lang ang kanilang singil.
Nagagawa anila nila ito dahil sa kanilang long-term contracts sa pamamagitan ng pagpasok sa maayos na kontrata kaya naibaba nila ang generation charge.
Tugon ito ng MORE POWER sa panawagan ng Energy Regulatory Commission para sa pagpapababa ng electricity rate.
Kasama rin aniya MORE POWER sa Safety Organization of the Philippines na nagsusulong ng kalusugam at kaligtasan sa trabaho.
Ayon kay Castro, mula noong 2020 naging katuwang sila ng Iloilo City sa pag-unlad at pagtulong na mapaganda ang kapaligiran sa pamamagitan ng green initiatives.
Sa kasalukuyan aniya, nasa 1,000 mangroves at 9,500 puno ang naitanim ng MORE POWER.
Madelyn Moratillo