EU leaders nanawagan para sa moratorium sa mga pag-atake laban sa energy at water facilities sa Middle East

A gas flare burns at the Lanaz refinery after it was targeted by a drone strike, in Erbil, Iraq, March 14, 2026. REUTERS/Khalid al Mousily/File Photo
Nanawagan ang mga lider ng European Union (EU) para sa isang moratorium sa military strikes sa energy at water facilities sa Gitnang Silangan, sa gitna ng tumitinding pangamba tungkol sa epekto ng giyera sa Iran sa global economy.
Sa isang written conclusions ng isang summit sa Brussels, ay sinabi ng mga lider ng 27 bansang bumubuo sa EU, “The European Council calls for de-escalation and maximum restraint, the protection of civilians and civilian infrastructure and full respect of international law by all parties. In this regard, it calls for a moratorium on strikes against energy and water facilities.”
Nanawagan ang mga lider para palakasin ang umiiral na Red Sea naval mission na Aspides at ang counter-piracy naval mission na Atalanta, sa Horn of Africa sa pamamagitan ng dagdag pang assets, alinsunod sa kani-kanilang mandato.
Una nang binatikos ni U.S. President Donald Trump ang kaniyang mga kaalyado na hindi pinagbigyan ang kaniyang kahilingan na tumulong sa pag-secure sa Strait of Hormuz, na dinaraan ng humigit-kumulang ikalimang bahagi o 1/5 ng oil shipping buong mundo.
Sa kanilang pahayag, ay sinabi ng European leaders, “We welcome the increased efforts announced by Member States, including through strengthened coordination with partners in the region, to ensure freedom of navigation in the Strait of Hormuz, once the conditions are met.”