Faulty electrical connection, maaaring sanhi ng sunog sa San Miguel, Bulacan


Isang sunog ang bumigla sa mga residente ng Sitio Patong-patong, sa Barangay Calumpang, San Miguel, Bulacan pasado alas dos ngayong hapon.

Agad namang rumesponde ang mga kagawad ng pamatay-sunog para apulahin ang apoy, ngunit mabilis itong kumalat dahil sa mga tela at doormat na negosyo ng may-ari ng bahay na nasunog.

Sa pahayag ng hepe ng barangay police na si Ruben Gutierrez, ang nasunog ay bahay na pagmamay-ari ni Samson Tierra.
Ayon kay Fire Officer 1 (FO1) John Armel Umalis, sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), faulty electrical connection ang posibleng sanhi ng sunog.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa sinuman sa miembro ng pamilya Tierra, ngunit nananawagan ang mga ito ng tulong dahil halos walang natira sa kanilang bahay at kabuhayan.
Mary Ann Lazaro