Fieldtrip guidelines ipapalabas na ng CHED sa Hunyo

Iaanunsyo na ng Commission on Higher Education sa June ang guidelines ukol sa fieldtrips at kasama rin dito ang lahat ng off-campus activities pati na ang on-the-job training.
Ayon kay CHED Commissioner Prospero de Vera III, binuo nila ang guidelines kasama ang tulong ng Land Transportation Office, Department of Tourism at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Dagdag ni de Vera isinama nila ang OJT sa guidelines pati na rin ang thesis na sinagagawa sa labas ng campus para sa seguridad ng mga studyante.
Ipinatupad ng CHED ang Nationwide moratorium sa lahat ng educational field trip sa Colleges at Universities matapos ang nangyaring bus accident sa Tanay, Rizal.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo