Free Public WIFI Bill lusot na sa pinal na pagbasa sa Kamara

0
wifi

Lusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na nag-aatas sa pamahalaan para maglagay ng libreng WIFI sa mga pampublikong lugar.

Sa ilalim ng House Bill 5225, kasama sa pinalalatagan ng libreng WIFI ang mga tanggapan ng gobyerno hanggang mga lokal na pamahalaan at mga pampublikong paaralan.

Una ng nakapasa sa Senado ang parehong bersyon ng free public WIFI bago mag recess ang sesyon noong Marso.

Bagaman ikinatutuwa ni Kabataan Rep. Sarah Elago na nakalusot na din ito sa kamara ay naniniwala ang kongresista na kulang pa rin ito.

Ang mas mahalagang hakbang, ayon kay  Elago, ay ang pabilisin at tiyaking maaasahan ang internet service sa buong bansa.

Kailangan nang tutukan ito ng gobyerno dahil ang mabilis na internet service ay malaking tulong sa ekonomiya lalo na sa mga estudyante sa gitna ng digital era.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *