Gambling operator na si Atong Ang paiimbestigahan sa BIR ni Justice Sec. Aguirre

0
ang

Paiimbestigahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa BIR ang posibleng tax liabilities ng gambling operator na si Charlie Atong Ang.

Ayon kay Aguirre, dapat siyasatin ng BIR ang Meridien Vista Gaming Corp. ni Ang para sa posibleng tax evasion case.

Nabatid na ang naturang kumpanya ni Ang ay nago-operate sa labas ng economic zone na sakop ng Meridien.

Sinalakay kamakailan ng mga otoridad ang mga gambling den ng Meridien sa Tuguegarao City at sa mga bayan ng Enrile at Peñablanca  noong nakaraang Huwebes at Biyernes kung saan naaresto ang 63 katao na sangkot sa jueteng operations.

Kaugnay nito, sinabi ni Aguirre na iimbestigahan din nila ang mga personalidad sa likod ng destabilization plot laban sa administrasyong Duterte at mga protektor ni Ang.

Mayroon na silang impormasyon sa koneksyon ni Ang sa mga destabilizers.

Una rito ay inakusahan ni Ang si Aguirre at iba pa na nagbabanta sa kanyang buhay at konektado sa illegal gambling operations.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *