Gastos sa biyahe ni Pangulong Duterte sa abroad, pai-imbestigahan ni Sen. Poe

0

Pai-imbestigahan ni Senadora Grace Poe sa Senado ang gastos ng gobyerno sa mga biyahe sa labas ng bansa ni Pangulong Duterte.

Sa harap ito ng napakalaking delegasyon ng Pangulo tuwing may official visit ito sa ibang bansa.

Wala aniyang  problema kung sariling gastos ng mga opisyal ang kanilang biyahe pero may impormasyon na sinasagot ito ng gobyerno.

Inihalimbawa ni Poe ang biyahe ng Pangulo sa Russia kung saan kasama nito ang samgkatutak na military officials at cabinet officials kung saan kasama pa ang kanilamg pamilya.

Katunayan, tanging si Budget Secretary Benjamin Diokno ang naiwan bilang caretaker.

Sinabi ni Poe na nangyari rin ang pag atake sa Marawi City kung kailan wala sa bansa ang matataas na opisyal ng gobyerno kasama na ang militar at pulisya.

Nabatid na 19 na opisyal ang kasama sa biyahe sa Russia ng Pangulo kabilang na sina:

Senate President Aquilino Pimentel III, Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano, Finance Secretary Carlos Dominguez, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, Public Works Secretary Mark Villar, Defense Secretary Delfin Lorenzana, and Health Secretary Paulyn Ubial, Trade Secretary Ramon Lopez, Tourism Secretary Wanda Teo, Transportation Secretary Arthur Tugade, Science and Technology Secretary Fortunano dela Peña, Energy Secretary Alfonso Cusi, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, Communications Secretary Martin Andanar, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, and Senator Sherwin Gatchalian.

Hindi pa kasama sa inilabas na listahan ng malacanang sina

PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, AFP chief of staff Eduardo Año, at Assistant Secretary Mocha Uson ong Presidential Communications Operations Office.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *