Gastusin sa official visit ni Pangulong Duterte sa Russia sagot ng host country ayon sa Malakanyang
Ang gobyerno ng Russia ang babalikat sa gastusin sa limang araw na official visit ni Pangulong Duterte sa Moscow.
Ito ang niliwanag ng Office of the Presidential Protocol ng Malakanyang at Department of Foreign Affairs o DFA.
Saklaw ng sasaguting gastusin ng Russia na siyang host country sa 5 day official visit ng Pangulo kasama ang kanyang deligasyon ay ang hotel accommodation gayundin ang mga sasakyang gagamitin pagdating sa Russia.
Sa ilalim din ng official visit protocol bibigyan ng military honors ang Pangulong Duterte ni Russian President Vladimir Putin.
Magkakaroon ng mga bilateral meeting ang Pangulo kay Russian President Putin na may kinalaman sa ekonomiya at usapang pangseguridad.
Ulat ni : Vic Somintac